May tatlong golfer, Doctor, Pari at Abogado ang maagang naglalaro. Sa
unahan, may naglalaro rin pero mabagal. Sa inip nila, tinawag ang
Greens Keeper para agreklamo.
Doc: " Ano ba ang problema at ang babagal ng mga nauna sa amin."
Greens Keeper: "Boss, sorry po dahil 'yung nasa unahan ay mga bulag
na Bombero. Nabulag sila dahil sa maagap na pagpatay ng sunog doon sa
Paaralan ng mga bata. Dahil sa magiting na ginawa ng mga bombero,
palagi po namin pinapaglaro ng libre dito sa golf course." Dahil sa
sinabi ng Greens Keeper, medyo natahimik an tatlo.
Pari: "Naku, nakakaawa naman pala ang nangyari sa kanila. Mamayang gabi, ipagdadasal ko sila."
Doc: "Aba, magaling na idea iyan. Bukas, tatawagin ko ang
Ophthalmologist at baka sakali may maitutulong pa siya doon sa mata ng
mga Bombero."
Abogado: (Inis pa): Bakit hindi na lang sila maglaro sa gabi!"